Why 1,575 haikus? Because my darlingest Annelies Marie Frank lived 15.75 years in this world.

Thursday, December 6, 2012

Huwag Mabahala



Pabugso-bugso
man ang dilim at sigwa,
ganyan talaga...

Biygan mong dunong
at ito'y maglilinaw
sa 'yong isipan.

Ang tala
ay ilaw.
---<--@



Kanlungan

Nakalilito man
at madilim ang mundo,
mga kapatid ko sa Pangako,
huwag tayong mabahala
at huwag mawalan ng loob -
huwag matakot sa gabi!

Pananalig sa Diyos,
kapayapaan sa ating bansa;
kagandahang loob sa bawa't isa
bunga nang pagkakapatirang
namumuhay sa ating diwa,
at pagmamahal natin sa ating
nag-iisang sambayanang Pilipinas -
ito ang lagi nating maaasahan;
ang ating kanlungan sa gabi
at daan tungo sa umaga.