Why 1,575 haikus? Because my darlingest Annelies Marie Frank lived 15.75 years in this world.

Monday, April 2, 2012

Pilipinas Lang

Pilipinas lang?
Sa mga likha ng D'yos -
ika'y tayo lang.

Sanlaksang bansa
man ang 'yong masilayan -
ati'y 'to lamang!

Isipi't
mahalin!

---<--@


Pilipinas lang?

Alisin na sa ating isip ang "Pilipinas lang"!

Bakit?

Ilang Pilipinas ba ang pinahintulutan
- ng PANGINOON -
na umusbong sa mga lupain ng mundo
para nating sabi'y siya'y "Pilipinas lang"?

Ang Pilipinas po ay ang Pilipinas, wala nang iba.

Siya po'y kung hindi
mamahalin at ipagtataggol ng Pilipino'y
mananatiling maralita at marumi
at para ngang isang
"Pilipinas Lang".

- basahin at pagnilaynilayan -

Ang pagmamahal po sa Bayan
kapag hindi ito naging
pagmamahal sa kapwa tao
(kapwa Pilipino)
ay huwad na pagmamahal.

Hindi po tayo ginawang bansa
ng ating nag-iisang Diyos
para sa isang huwad lamang
na pagmamahal.

=^.^=